Search
Tuloy po kayo sa Peel District School Board
Mabuhay
Alamin ang Mga Katotohanan
Sentro Para sa Malugod na Pagtanggap
Rehistro
Tulong na Pagsasanay Para sa Mga Magulang
Mga Papel ng Katotohanan Para sa Magulang
Mga Paalala Para sa Magulang
Mga Bagay-Bagay Pangmag-aaral
Mga Paaralan
Kalendaryo
Mga Kapisanang Pampaaralan
Kilalanin ang inyong Tagapangasiwa
Mataas na Paaralan at Lampas pa
Edukasyon pang nasa hustong gulang
Hanap-buhay sa Peel
Sumuskribi
Mga Katanungang Madalas Tinatanong
Paalala Para sa Kapisanang Pampaaralan

Pagsasagawa ng kapasiyahan sa pamamagitan ng napagkasunduan o ng boto

Napagkasunduan
Ang pagsasagawa ng kapasiyahan sa pamamagitan ng napagkasunduan ay isa sa mga mabisang pamamaraan sa pamamahala ng inyong kapisanang pampaaralan. Sa tuwing kayo ay nagsasagawa ng pagpapasiya sa pamamagitan ng napagkasunduan, ang ibig sabihin nito na ang bawa’t isa sa mga miyembro ng kapisanang pampaaralan ay sumang-ayon sa pinagpasiyahan. Maging ang mga taong hindi buong sumusuporta sa pinagpasiyahan ay sumang-ayon na tanggapin ito at hindi dapat magsagawa ng ano mang bagay laban dito.

Bagaman ang kalalabasan ng pagkakasunduan ay maaaring may kabagalan, may kahalagahan pa rin ang pagsasagawa nito. Ang napagkasunduan ay naniniguro na ang bawa’t miyembro ay mayroong tinig sa pagpapasiya at nagpapatibay ito sa paggalang sa iba’t-ibang mga paniniwala. Ito rin ay nagbibigay resulta ng malawakang pakikiisa at suporta mula sa mga miyembro. Ang sanggunian ng Peel ay nagbibigay rekomendasyon na ang mga kapisanang pampaaralan ay patuloy na susubok sa pagbuo ng kapasiyahan mula sa kanilang napagkasunduan.

Mga mungkahi sa pagdating sa pagkakasunduan
  • Ihaharap ng tagapangulo ang isang sitwasyon o paksa para sa pagpapasiya at ipaliliwanag ang pagsasagawa ng isang kasunduan
  • Ang bawa’t miyembro ay ipahahayag ang kaniyang paniniwala at mga opinyon, habang ang iba sa kapisanan ay nakikinig
  • Tatalakayin ng mga miyembro ang paksa at magkakasundo sa isang batayan at ipahahayag ang mga bagay na hindi pinagkakasunduan
  • Mag-aalok ang mga miyembro ng mga solusyon o pagpipilian upang ikonsidera ng kapisanan
  • Tatalakayin ng mga miyembro ang mga ikabubuti at hindi ikabubuti ng mga nakalaang pagpipilian
  • Tutulungan ng tagapangulo ang mga miyembro na mapag-alaman ang pinakamabisang solusyon o pagpipilian
  • Tatanungin ng tagapangulo ang bawa’t miyembro ng “Mabubuhay ba kayo sa ganitong kapasiyahan?” Kung ang lahat ng miyembro ay walang kasunduan, kinakailangan ng mga ito ang magpahinga panandalian at saka muling simulan ang talakayan

Boto ng Mayoriya o Nakararami
Kung hindi ninyo makamit ang kasunduan, maaari ninyong ipasa ang pagpapasiya sa isang botohan. Karamihan sa mga tao ang botohan ay isang pamilyar na pamamaraan sa pagsasagawa ng kapasiyahan. Mapapadali nito ang pagsasagawa ng kapasiyahan dahilan sa malimit na talakayan o kakayahan ang kakailanganin upang makamit ang solusyon na matatanggap ng bawa’t isa. Gayun pa man, maaari rin itong lumikha ng mga paghahati sa mga miyembro ng kapisanan sa dahilang madalas ay mayroong pangkat ng panalo at pangkat ng natalo sa bawa’t botohan. Ang mga taong natalo sa botohan ay maaaring hindi matanggap ang kapasiyahan o hindi suportahan ang mga planong isasagawa na magmumula sa kapasiyahan.

Kung inyong isasagawa ang botohan, kailangan ninyong sundin ang mga patakaran sa pagboboto na nakatalaga sa Hanbuk Para sa Ministri ng Edukasyon ng Ontario, Mga Kapisanang Pampaaralan: Giya Para sa Mga Miyembro (Ontario Ministry of Education Handbook School Councils: A Guide for Members). Seksyon 8.8 Botohan. Ang higit na mahalaga, kailangan mong tiyakin na mayroon kang korum (sapat na bilang ng tao na dumalo sa pagtitipon upang maging mabisa ang boto) at pasiyahan kung anong kinatawang mayoriya o nakararami para sa inyong kapisanan (kadalasan 50 porsiyento at isa sa mga miyembrong dumalo dito).

Mag-aral pa:
Inyong mahahanap ang mga karagdagang impormasyon sa pagsasagawa ng mga kapasiyahan sa pamamagitan ng napagkasunduan o ng boto sa:
  • Hanbuk Para sa Ministri ng Edukasyon ng Ontario, Mga Kapisanang Pampaaralan: Giya Para sa Mga Miyembro. Seksyon 8.8 Pagsasagawa ng Mga Kapasiyahan (Ontario Ministry of Education Handbook School Councils: A guide for members. Section 8.8 Making decisions)
  • Sangguniang Pampaaralan ng Distrito ng Peel Giya ng Pamamaraan Para sa Mga Kapisanang Pampaaralan, sa seksyon ng Mahalagang Mga Pagtitipon/Mahalagang Mga Minuto sa “Mga Pagpapasiya, mga pagpapasiya” bahagi ng seksyon (Peel District School Board School Council Resource Guide in the section on Great meetings/Great minutes in the "Decisions, decisions" subsection)
Home Get the Facts Parents Boost Learning Student Stuff Schools Calendar School Councils Meet your Trustee Media Desk
English Punjabi Urdu Tamil Hindi Arabic Gujarati Vietnamese Chinese-S Chinese-T Spanish Bengali Korean Farsi Tagalog Serbian Russian Somalian Malayalam Polish Telugu Albanian Croatian Portuguese Twi Singhalese Turkish Pashto Romanian Nepali Dari Greek Marathi Japanese Creole Bulgarian Yoruba Macedonian Swahili Italian French